Mahirap Umibig sa Isang Panget
Minsan, sa ating buhay, dadating ang panahon kung kailan mag-iiba ang ihip ng hangin. Parang mayroong masamang umaalingasaw na sasabay sa hangin at guguluhin ang pag-iisip mo. Iibig ka sa isang pangit. Tanggapin mo na lang.
Noon, malakas ang paniniwala kong lolokohin ka lang ng gwapo. Humanap ka daw ng pangit at ibigin mong tunay. Lumipas ang ilang taon sa aking buhay at naloko ako ng gwapo. Sinubukan kong umahon at sinabi sa sariling sa kapangitan nakikita ang magandang kalooban. Dumating ang panahon st nahulog din ang loob ko sa isang pangit.
Akala ko ay siya na ang pinakahihintay ko. Yun pala ay pinaghintay niya lang ako. Nagmuka akong tanga't umasa ako hanggang nalaman ko na lang ay may iniibig na siyang iba.
Hindi ko sinisising hindi mahulog hulog ang loob niya sa akin. Hindi ko rin siya masising di siya masilaw sa aking kagandahan o busilak na kalooban man lang. Nababanas lang ako sa buhay sapagkat mas masakit pala ang pakiramdam ng ni-reject ka ng isang pangit.